News / August 30, 2012

Pagpapahayag ng botanteng makapangyarihan


Manuel Valdehuesa
National Council Member, Kapatiran Party

 

Ako ay mamamayang Pilipino

at sa akin nananahan ang kasarinlan ng Republika

at nagmumula ang kapangyarihan ng pamahalaan.

Ang boto ko ay konkretong pagpapahayag

ng aking kasarinlan at kapangyarihan.

 

SA PAMAMAGITAN NG AKING AKING BOTO:

Ipinakakatawan ko ang aking kapangyarihan at awtoridad sa mga halal na opisyal.

Utos ko sa kanila ang itaguyod ang pamahalaan

mula sa mamamayan, ng mamamayan, at para sa mamamayan nang malinaw.

At inaasahan kong sila ay maglilingkod nang may katapatan, paglalaan

at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kabutihan.

 

Sa aking paghalal nang tapat at malaya,

masisiguro kong ang sinumang magwagi ang mayroong lehitimong awtoridad.

Kung pahihintulutan ko namang masuhulan at mabili ang aking boto o mabigong masuri ang mga kandidato,

mga di-karapat-dapat lamang ang mabibigyang kapangyarihan

na sila ring magtataguyod ng ilehitimong pamahalaan.

 

MATAPOS ANG HALALAN:

Inaasahang kong ang mga magwawagi ay maglilingkod nang lubos at may katapatan bilang tunay na mga alagad ng bayan.

Inaasahang kong sila ay magiging bukás, may pananagutan, at mapagtugon

sa akin at sa lahat ng mamamayang siyang pinakamakapangyarihan.

 

Kung kanilang lalapastanganin ang kapangyarihan at awtoridad na aking ipinakatawan,

ang bawiin iyon ay akin ding karapatan.

Kung di nila isasaalang-alang ang aking mga inaasahan

o di gagawin ang kanilang mga tungkulin,

ako ay may kapangyarihang sila ay papanagutin,

at pabalikin saan man sila nanggaling.

 

Kaya’t patnubayan mo ako, O Panginoon/Allah/Magbabaya ko!

 

--